Take a peek...

Life is a road.
It always has a beginning that never ends.
See the World as it is!

Thursday, May 31, 2012

Stages of Moving On.



Papa Jack on moving on:
Stage 1: Pain.
Stage 2: Anger.
Stage 3: Bargaining.
Stage 4: Acceptance.

I tweeted this a couple of weeks ago. Me and my twin were in a taxi, listening to Papa Jack talk on the radio. I've been hearing Papa Jack whenever I ride a taxi in the middle of the night. The station (I don't know which station he is connected to but since I'm online, I asked help from my friend Google and viola! It's 90.7! How could I have missed that? Lol!) seem to be the common thing for taxi drivers who drive on the road on as late as 12am.

Okay. So much for the introduction. I'm so used to writing like an essayist that I always give so much time in writing introductions that I usually forget or misses the whole thing! Like this one. Haha!

So, what I'm trying to say is, I will explain further Papa Jack's Stages of Moving On based on my own interpretations. Basically, what he said focused more on someone being left by her or his loved one. What I will do is I will write the words Papa Jack suppose to have said regarding the stages (because I cannot remember the exact words he said). At sa puntong ito, magtatagalog ako para mas maintindihan ng madla (iyon ay kung may madla ngang makakabasa nito) at para rin naman hindi masyadong seryoso ang usapan. First time 'to pre! Lezzgo!

Stage One: Pain.

Sabi  ni Papa Jack: "Masakit sa umpisa. Lalo na kapag iniwan ka ng taong mahal mo."
Sabi ko: Totoo ito. Wala naman sigurong taong natuwa o nasiyahan na iniwan siya ng taong mahal niya. Syempre siya nga ang iniwan eh. Kung matutuwa siya na iniwan siya, bakit hindi na lang siya ang nang-iwan? Kuha mo? Normal lang na masaktan ka kung bigla kayong naghiwalay ng taong mahal mo. Minahal mo siya eh. Buong puso binigay mo sa kanya. Minahal mo siya ng higit sa sarili mo. At para sa'yo, wala nang iba pa. Siya lang. Kaya 'wag kang magtataka kung minsan ay nakasakay ka sa fx, naalala mo siya at biglang tumulo ang mga luha mula sa iyong mga mata. Magtaka ka lang kung pati ang katabi mo ay umiiyak. Ibang usapan na 'yon.

Stage Two: Anger.

Sabi ni Papa Jack: "Natural pagkatapos mong masaktan, magagalit ka kasi nasaktan ka niya."
Sabi ko: Malamang. Eh kung hindi ka makakaramdam ng galit, stuck-up ka na sa stage one. Pero may mga taong nananatili talaga sa stage one. Kaya lang kadalasan, nakakaramdam ka ng galit pagkatapos mong masaktan. Kasi nga, nasaktan ka. Hindi mo matanggap na nasaktan ka niya kahit binigay mo na lahat ng mayroon ka (o, 'wag magisip ng kung ano-ano. Wholesome itong blog ko). O kaya naman, hindi mo maintindihan kung saan ka nagkulang at bakit ka niya iniwan. Pero sa tingin ko, ang pinakamatinding dahilan kung bakit ka nasaktan ay dahil hindi mo matanggap sa sarili mo na ikaw ang iniwan at hindi ikaw ang nang-iwan. Tama ba? Ang mga tao, ma-pride chicken. Kadalasan, mas gusto nating mga tao (yes! tao ako!:p) na tayo ang nang-iiwan. Para naman hindi masabing tayo ang nagkulang o tayo ang talo. Mas gusto nating ipamukha sa madlang pipol na tayo ang nakipaghiwalay. Pero sa totoo lang? Kahit sino pa man ang nang-iwan o naiwan, parehas na talo. Kasi parehas kayong nawala sa isang relasyon. Depende na lang kung magpapaiwan kang talunan. Kaya nga may stage four eh. Pero dun muna tayo sa stage na parang divisoria.

Stage Three: Bargaining.

Sabi ni Papa Jack: "Dito, iniisip mo na babalik pa siya. Kahit alam mong maaaring hindi na."
Sabi ko: Oh di ba? Divisoria lang ang peg. Bargaining. Kasi naman, naimbento pa 'yang "what ifs" na 'yan. Kasi, iniisip mo na may pagasa pa. Binibigyan mo ang sarili mo ng "false hope". Akala mo naman babalik siya kapag nagmukmok ka sa isang sulok. Akala mo naman babalikan ka niya kung babantayan mo ang status niya sa facebook, kung sino katabi niya sa profile pic o sa cover photo niya. Ito ang tinatawag naming magkakaibigan na "monitoring system". At mas lalo na, akala mo, mahal ka pa niya, Sa madaling salita, umaasa ka pa. Ano akala mo sa story niyo? Walang Hanggan? Ayon kay Papa Jack, madalas sa stage na ito naiiwan ang isang tao. Hindi siya makapunta sa stage four dahil dito pa lang sa stage three, mahirap nang makalagpas. Oo, nasaktan ka. Nagalit ka. Pero dahil mahal mo pa rin siya, wala kang magawa kundi umasa. Tama ba? Hay nako mga iho at iha. Dumaan na ako d'yan. Para 'yang tsokolate at kape na bawal sa may hyperacidity. Ayaw mong tantanan kahit bawal basta Swiss Miss or Starbucks. Para 'yang pagtawid sa kalsadang may nakasulat na "Bawal tumawid. Nakamamatay." Ay! Ang maghintay talaga sa wala ay nakamamatay, mga iho at iha. Sa seryosong punto, hindi madaling makalimot. Hindi madaling mag-move on. Maaaring taon ang bibilangin para makalimot. Pero bakit mo siya kakalimutan? Imposible 'yon. Ang magandang gawin mo ay tanggapin na habang-buhay na siyang magiging parte ng ala-ala mo. Pero hanggang doon lang. Pagkatapos, stage four na.

Stage Four: Acceptance.

Sabi ni Papa Jack: "Tanggapin mo ang lahat ng taos sa puso."
Sabi ko:  Ito ang pinakagusto kong parte ng sinabi ni Papa Jack. Bakit? Kasi hindi lang niya sinabi kung paano tanggapin ang nangyari kung hindi pati ang kung paano harapin ang bukas ng wala siya. Mahirap makarating sa puntong ito. Pero HINDI IMPOSIBLE! Sabi ko nga, tanggapin mong hindi mo siya makakalimutan. Dahil unless may neutralizer ka katulad nina Agent J and K, hindi mo talaga makakalimutan ang lahat ng napagsamahan niyo (at naguumpisa na akong mag-english. Hirap magtagalog 'te!). Kung tutuusin nga, dapat gamitin mo ang nangyari para sa iyong kapakanan. Sigurado marami kang natutunan sa nangyari. At ang mga natutunan mo ang magiging gabay mo kapag nakakilala ka ulit ng ibang mamahalin. Sa puntong ito, mas magiging mapanuri ka. Pero 'wag naman 'yong tipong choosy ka. Baka naman "single forever" ang kahantungan mo. Sabi nga ni Papa Jack, lahat ng susunod mong gagawin, ang pagtanggap at pag-move on ay para sa iyo. Para sa'kin, tama 'yon. 'Wag mong gawin ang pag-move on para maipakita sa kanya na kaya mo. Kundi, ipakita mo sa sarili mo na kaya mo. Lahat ng susunod mong hakbang para makapag-move on ay para sa iyo. Dahil kung gagawin mo ang mga bagay na 'yan para sa kanya, aanhin naman niya 'yan? Walang silbi kung gagawa ka ng hakbang para sa kanya dahil hindi na iyon mahalaga para sa kanya. At ang mahalaga, handa kang harapin ang taong inihanda sa'yo ni Lord. Dahil kung gagawa ka ng hakbang para sa "Ex" mo, paano kung dumating si Mr. Right? Eh di hindi ka pa handa dahil hindi ang buong puso mo ang naihanda mo. Sayang ang opportunity. Sayang ang miles.

Kaya mga iho at iha, sa pag-ibig, lahat normal. Lahat pinagdadaanan. Kapag hindi ka nasaktan, nagalit, umasa, nabigo at natuto, isa kang ALIEN. Dahil ang mga alien ay pananakop lang ang nasa isip (gaya ni Boris the Animal). Pero, hindi por que pork ang ulam nyo, este hindi dahil normal lang na dumaan sa stages one, two and three, eh hanggang dun ka na lang. Para saan pa at may stage four? Ano 'yon? Imbento lang? Dapat may hakbang kang gagawin na hindi para sa "ex" mo o para sa kung sino mang Poncio Pilato, kundi para sa sarili mo. Para sa paghahanda ng sarili mo sa taong itinakda para sa iyo. PARA SA IYO. Kuha mo?

5 comments:

  1. sobrang naka-relate ako, pero ang galing parang punayuhan ako ng expert:) thanks!

    ReplyDelete
  2. *clap clap* hangaleeeng. :D parang Strangers Again lang ang peg! (http://www.youtube.com/watch?v=tSdELZxEnHY)
    ate, sa susunod na reunion dapat may ganitong night sessions din ang kabataan :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahha tama! :)) sa next reunion gawan natin ng session habang ung mga adults may session din. Hahahahha :)) super thanka nes! :))

      Delete
    2. hahaha! koreeek. yiiee! excited na ko sa susunod na get-together! :)

      Delete
  3. galing mo, 'te. Ikaw na!

    -Madlang people.

    ReplyDelete